Monday, February 15, 2010

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya


Nag bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang kapaligiran.



Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-ilog ay natutong magtanim ng trigo, barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang naging kabayuhan sa disyerto at steppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa disyerto.

Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.

Sibilisasyon

  • mula sa salitang ugat na civitas

  • masalimuot na pamumuhay sa lungsod

Kabihasnan

  • nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
  • pamumuhay na nakagawian at pinipino ng isang pangkat ng tao.


* Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan:

1. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan
2. Masalimuot na rehiyon
3. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
4. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
5. Sining at agrikultura
6. Sistema ng pagsusulat

* Noong unang panahon, ang mga namumuno sa mga lungsod ay matataas na Pari.

Politeismo:

- paniniwala sa maraming diyos

* Mayroon dalawang uri ng pinuno noon:


1.Pinunong pulitikal-militar (hari)

2.Pinunong Panrelihiyon (pari)

Kabihasnang Sumer
(3500-3000 B.C.E.)



Fertile Crescent



- isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea.

- Ang mga lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa pangalang Mesopotamia na nangangahulugang " lupain sa pagitan ng dalawang ilog".

-Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.



* Mga Pamayanang Neolitiko bago ang Sumer*

-ilang pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng mesopotamia ay ang Jericho sa Israel, Catal Huyuk at Hacilar nasa Anatolia at ilang pamayanan sa kabundukan ng Zagros nasa hangganan ng Mesopotamia-Persia.

  • Jericho (7000 B.C.E.) - Nest Bank na Kontrolado ng Israel -Produkto: Sulfur at Asin n nalilinang mula sa Dead Sea.

  • Catal Huyuk (6000 B.C.E.) - Katimugang bahagi ng Anatolia -Pangunahing produkto ay obsidian, isang volcanic glass


  • Hacilar (5700 B.C.E.) - Talampas ng Anatolia
    - Pottery o mga palayok ang produkto

* Sistemang Pampulitikal at Pang-ekonomiya*


Sumer - itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.


*Mga Pinakamahalagang Lungsod ng Sumer*

  • Ur

  • Uruk

  • Eridu
  • Lagash


  • Nippur
  • kish


Ziggurat







- pinakamalaking gusali sa Sumer

- Matatagpuan sa tuktok ang dambana para sa diyos o diyosa ng lungsod

*Mga Papel na Ginagampanan ng Paring-Hari

- tagapamahalang ispiritwal at isang pulitikal na lider

- ang mga pinunong militar ang papalit sa Paring-hari bilang pinuno ng templong-estado

*Sistemang Panrelihiyon*

- ang mga Ziggurat o templo ay tahanan ng mga diyos ng mga Sumerian

- natuto ang mga Artisano na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging iadrilyo

- ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay siyang sentro ng kapangyarihang supernatural sa mundo

- ang bawat baitang ng Ziggurat ay pinag-uugnay ng mga hagdan

- Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos na kanilang sinasamba

*Mga Diyos ng Sumerian*

  • An - diyosa ng kalangitan

  • Enlil - diyos ng hangin

  • Enki - diyos ng katubigan

  • Ninhursag - dakilang diyosa ng sangkalupaan

*Sistemang Panlipunan*

- Nasa tuktok ng lipunan ang mga pinunong pulitikal at ispiritwal

- kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. kasunod ang mga mangangalakal,artisano,scribe,at mababang opisyal.

*Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig*

-isa sa mga pinakamahalagang ambag ang sistema ng pagsula ay Cuneiform. dahil nito, naitala na nila ang batas,epiko,dasal,at kontrata ng negosyo.


-ang mga scribe o tagasulat ay umuukit sa isang basang Clay tablet. Nagtataglay ng kumpletong petsa at lungsod kung saan ito nagmula.

-ang pinakaunang epiko sa daigdig ay Sumerian-ang epiko ni Gilgamesh.



Sa larangan ng kanilang kaalaman ay pgpapalayok na gamit ang gulong(wheel-spun pottery),metahurhiya ng bronse at tin at paggamit ng perang pilak. Sa larangan ng matematika, naimbento nila ang Decimal System. Ang hugis na bilog ay hinati nila sa 360 degrees. natuklasan nila sa paggamit ng isang kalendaryong Lunar.




-ang pinakaunang nakasulat na batas ay nanggaling sa templong-lungsod ng Ur.


Kabihasnang Indus

-ang lambak-ilog ng Indus at Ganges aymakikita sa timog asya.

*Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus*

-isa sa pamayanang ito ay ang Mergarh. Na nasa bandang kanlurang ng ilog indus.



*Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya*

-sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang pinakaimportante: ang Harappa at Mohenjo-Daro





-Pagsasaka ang pangunahing gawain sa Harappa at Mohenjo-Daro.

-ang bulak ay hinahabi upang maging tela.

-Angappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at oraganisadong lungsod. May dalawang bahagi ito- citadel o mataas na moog at mababang bayan.

-ang mga bahay ay gawa sa mga ladriyo na pinatuyo sa pugon.

-maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro.

*Sistemang Panrelihiyon

Isa sa mga hayop na sinasamba sa indus ay ang Toro.

-ang pinakatanging diyos ay isang babae na pinagmumulan ng lahat ng bagay na tumutubo.

*Sistemang Panlipunan*

· ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga naghaharing uri.

- ang mga magsasaka ang gumagawa sa dike at kanal para sa irigasyon ng mga pananim.

*Sistema ng Pagsusulat*

-unang gumamit ng sistema ng pagsulat ng Indus.

-ang mga ebidensya na pagsulat ay mga selyo na may Pictogram upang kilalanin ang mga paninda. Natuklasan ito sa Mesopotamia.


*Paglaho ng Kabihasnan*

-ang mga Aryan na tumawid sa mga lagusan sa kabundukan ng Hindu Kush bago makarating sa lambak-iog ng Indus.

Kabihasnang Shang

-makikita sa China ang lambak-ilog ng Huang Ho.

-Ang Huang Ho ay nagdadala ng loess o dilaw na lupa. Dahil sa madilaw na kulay ng tubig,tinawag itong Huang Ho o Yellow River.

-sa pagitan ng mga buwan Huyo at Oktubre dumaating naman ang hanging monsoon na may ulan.

-Ngunit minsan, ang mataas na pagbaha ng Huang Ho ay maaari ding sumira sa maraming ari-arian at pumatay sa maraming tao.

*Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Shang*


-noong 1920, hinati ng mga iskolar sa dalawang panahon- ang kalinangang Yangshao at ang Lungshan.

-Yangshao(3000 B.C.E - 1500 B.C.E)- natatakpan ng luwad and pader at may bubungang pawid o kugon.

-nagsimula na ring gumawa ng tapayan nainit sa loob ng pugon. Ang tapayan ay kulay pula at itim, at may disenyong geometrical.

-Lungshan o Longshan(2500 B.C.E - 2000 B.C.E)- ang pangalawang neolitiko sa Huang Ho bago ang kabihasnang Shang

-mas malawak ang saklaw na teritoryo ng pamayanang Lungshan kaysa Yangshao.

-ilang pamayanan ay nagtatanim ng millet habang iba naman ay palay ang itinatanim.

-mas umunlad ang teknolohiya ng paggawa ng tapayan dahil sa pagkaimbento ng potter's wheel.

-ang Lungshan ang naging transisyon tungo sa kabihasnang Shang.

-may nauna raw na dinastiya sa Shang. Ito ang Xia o Hsia na itinatag ni Yu at nagtagal ng apat at kalahating siglo. Kung totoo ngang dinastiya ang Xia ay hindi mapatunayan dahil sa kawalan ng ebidensyang arkeolohikal.

*Sistemang Pampulitika*

-may pitong lungsod ng Shang ang nahukay na ng mga arkeologo. Ang pinakasikat sa pito ay ang Anyang.

-may maayos na paglalatag ang mga kabahayan at istraktura ng Shang.

-nakita ang malalaking libingan ng mga hari at mataas na opisyal ng Shang.

-ang pinakaimportanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay ang iba't ibang buto na ginamit sa mga ritwal. Ang mga butong ito ay tinawag na Oracle Bones o butong orakulo.

-ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno gumagamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot.

-isa sa mga kilalang hari ay si Wu Ding. ang kanyang asawa na si Fu Hao ay magaling din na pinunong militar.

*Sistemang Panrelihiyon*

-si Shang Di ang diyos na lumikha at hari ng langit.

-ang mga nahukay na butong pang-orakulo ay ginamit ng Shang para sa pakikipag-usap sa kanilang mga ninuno.

*Sistemang Panlipunan*

-ang Chariot ay sasakyang hinihila ng kabayo na ginagamit sa labanan. may 2 o 4 na gulong.

*Sistema ng Pagsulat*

-ang mga simbolo na ginamit sa mga butong pang-orakulo ay ang karakter ng pagsusulat na tsino.

-ang mga karakter na ito ay sumisimbolo a bagay,ideya, o tunog na maaaring isulat na patayo.

-ang pagsusulat ay naging importanteng bahagi ng kulturang tsino at iniangat pa na sa isang sining na pagsulat na tinatawag na Calligraphy. Ito ay nagsilbing tagapag-isa sa mga tsino.

-ang mga artisano ay anging bihasa sa paghugis ng mga moldeng wax.

-gumagawa rin ito ng mga seda para sa mga aristokrata at magagandang porselana mula sa kaolin


Sadyang makasaysayan ang Asya na pinanggalingan ng iba't-ibang mga modernong kabihasnan sa buong mundo. Ating ipreserba ang mga bagay na nagbibigay alaala sa mahahalagang pangyayari sa ating kontinente.



10 comments: